Hindi na lang ‘sandwich spread’ ang alam mo ngayon…

Lintik na spread yan hindi pa nag TP yung trade ko!

Badtriiiip. Na SL ako agad dahil ang laki ng spread!

Narinig mo na ba ‘tong mga linyang ‘to sa mga Forex traders? Nagtataka ka kung ano ba yung “spread” at bakit parang lagi siyang sinusumpa ng mga nag fo-forex? Dapat ba i-cancel na yang “spread” na yan parang yung artistang laging late sa mga appointments niya?

Alamin natin mga ka-traders ano ba talaga ang “spread”? Para san ba ‘to? Dapat ba natin ‘tong iwasan? Kung oo, paano nga ba natin ‘to maiiwasan?

Pero bago tayo mapunta sa kung ano ang “spread”, dapat malaman muna natin kung ano ang “ASK” at “BID”.

ASK, ito ang presyo na kailangan mong bayaran pag bibilhin mo ang isang currency pair.
BID, ito naman ang presyo na willing kang ibenta ang isang currency pair.

Yung difference between ASK at BID, yun ang mahiwagang  “SPREAD”!

Kung titignan natin ang presyo ng sibuyas sa merkado, nag “ASK” ang mga magsasaka ng 8 pesos hanggang 15 pesos para sa isang kilong sibuyas, ang mga gahaman na negosyante este ang mga dealer/retailer ng sibuyas naman ay nag “BID” sa Metro Manila ng 650 pesos hanggang 750 pesos para sa isang kilong sibuyas. Kaya ang naging “SPREAD” ng isang kilong sibuyas ay kulang kulang nasa 680 pesos. Kaya pala maraming galit sa “SPREAD”.

Pero sa Forex Trading pano mo ba malalaman ang spread ng isang currency pair? Kung titignan mo ang chart ng tradingview, may number sa pagitan ng bid at ng ask.

Ang asking price ng EUR/USD ay 1.08598 at ang bidding price naman ay 1.08596. Ang difference in value ay 0.1. Ang spread ng EUR/USD ay 0.1 pips lang. Nakakakilig!

Pano pag gusto mo ng exotic at gusto mo i-trade ang EUR/TRY? 194.6 pips naman yung spread niya. Parang sibuyas lang diba?

Ngayong alam na natin ano ang spread, para san nga ba ‘to? San ba ‘to napupunta?

Ang spread ay transactional fee na binabayad sa broker para i-execute ang isang trading activity. Sino nga namang broker ang mag i-invest sa mga facilities nila at ibibigay lang ito ng libre? Kaya maraming broker diyan na hinihikayat kang gamitin ang platform nila dahil maliit daw ang spread nila. Kaya bago ka mag open ng account, aralin mo ito ng maigi.

May mga broker na 0 spread daw? Charity ba nila ‘to para mapadali natin ang pagsusunog ng pera? Hindi naman. Usually, ang mga 0 spread account ay may commission. Kaya happy pa rin ang mga broker natin. Tayo lang ang hindi. Charought!

Ano ang spread?✅ 
Para saan ito?✅ 

Dapat ba natin ‘tong iwasan? At pano natin maiiwasan ang malalaking spread?

Balikan natin si frustrated forex trader #1 (FFT#1). Sabi niya “Lintik na spread yan hindi pa nag TP yung trade ko!”.

Dahil si FFT#1 ay may open position at willing ibenta ang XAUUSD sa halagang 1960, pero take note, may 0.2 spread ang XAUUSD nung panahon na ‘yon. Umabot ng 1960 ang presyo ng XAUUSD tapos bumulusok hanggang 1880 at nasunog ang account ni FFT#1.

Bakit nga ba hindi nag TP ang trade niya sa 1960? Dahil hindi ito i-execute ng broker dahil hindi pa bayad yung transactional fee nila. Dapat umabot ito ng 1960.2 para mag close ang trade. Sad day para kay FFT#1. Pano pa kaya kung trader ka na mahilig sa exotic pair? Sad day everyday.

Kaya kung gusto mo makaiwas sa malaking spread, stick to major currency pairs mga ka-traders!

Sana may natutunan kayo mga ka-traders about SPREAD! See you next week ulit para sa aming weekly blog. May the force be with you! 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *